• Android (Go edition)

    Pag-level up sa mga entry-level na device.

    Napakabilis na OS na ginawa para sa mga smartphone na may mas mababa sa 2 GB na RAM. Mas magaan ang Android (Go edition) at nakakatipid ito sa data, kaya mas maraming magagawa sa napakaraming device.

  • Isang screen na nagpapakita ng mga app na inilulunsad sa isang Android device.

    Mas mabilis na nalulunsad.

    Nagsisimula ang mga app nang mas mabilis nang 30% kapag gumamit ka ng Android (Go edition) sa isang entry-level na smartphone.

  • Mas marami ang nagagawa nang sabay-sabay.

    Dahil sa hanggang 270 MB na dagdag na memory, makakagamit ka ng mas maraming app at laro nang sabay-sabay.

  • Gumagawa ng dagdag na space.

    Dahil sa hanggang 900 MB na karagdagang storage, may espasyo para sa mas maraming larawan, video, at app. Pumili sa mahigit 2 milyong app sa Google Play.

Idinisenyo para pag-ugnayin ang mga tao.

Naniniwala kaming dapat magkaroon ang lahat ng access sa magagandang karanasan sa smartphone. Mula sa pinahusay na accessibility hanggang sa abot-kayang presyo, malaki ang epekto ng Android (Go edition).

  • Isang camera na ginagawang speech ang text.

    Binabasa nang malakas ng Lens sa Google Go ang mga nakasulat, na nakakatulong sa mas maraming tao na maunawaan ang mundo sa paligid nila.

Browser na gumagamit ng iyong wika.

Isinasalin ng Chrome ang anumang text sa screen sa iyong wika. Magpabasa nang malakas, sa isang pag-tap lang ng button.

Mga app na nagpapalawak ng mga posibilidad.

Sa Android (Go edition), binubuo mula sa umpisa ang mga Google app. Mas kaunti ang espasyong ginagamit at mas nakakatipid sa data ang mga app. Mas mabilis, mas kapaki-pakinabang, at mas madaling gamitin ang lahat.

Google Go

Camera

Assistant Go

Pinadali na pag-manage ng mga file.

Nakakatulong ang Files by Google sa lahat na mahanap, maibahagi, at maayos ang kanilang mga bagay-bagay. Makakuha ng mga tip sa kung ano ang dapat i-delete gaya ng mga hindi ginagamit na app. Magpadala rin ng mga file sa mga kaibigan sa malapit, nang hindi gumagamit ng data.

Makahanap ng mas mahusay na balanse.

Nakakatulong ang mga tool sa Digital Wellness na manatiling may kontrol sa kung paano mo ginagamit ang iyong telepono. Magtakda ng mga limitasyon gamit ang Mga Timer ng App at pamahalaan ang mga notification. O bawasan ang mga abala gamit ang Huwag Istorbohin.

Mas marami pa sa Google Play.

Naka-built in na seguridad na laging alisto.

May mga built-in na feature sa seguridad ang Android (Go edition) na nagpapanatiling protekdado ang lahat. Sinusuportahan ng mga pang-ekspertong resource mula sa Google.

Google Play Protect

Hayaang gumana nang mag-isa ang serbisyo sa proteksyon na ito para pigilan ang mga mapaminsalang app na makarating sa iyong telepono.

Hanapin ang Aking Device

Hanapin, i-lock down, at opsyonal na i-wipe ang device kung mawala ito.

Higit pang kontrol sa privacy

Manatiling may kontrol sa personal na data. Makakuha ng impormasyon para makagawa ng mas mahuhusay na desisyon sa privacy.

Mahusay na seguridad

Panatilihing ligtas ang data nang hindi naaapektuhan ang performance gamit ang advanced na pag-encrypt.

Gumawa ng mga app para sa mas malaking audience.

Makaugnayan ang higit pang tao sa pamamagitan ng pagbuo gamit ang Android. Samahan ang napakaraming developer na gumagawa ng mga app na idinisenyong gumana sa mga entry-level na smartphone.

Matuto pa

Sama-sama tayong bumuo.

Mahigit 80% ng mga entry-level na Android phone ang gumagamit ng Android (Go edition). Sa 180+ bansa. Sa 16k+ modelo. Kunin ang mga tool na kailangan mo para matulungan ang mga user na makagawa ng mas maraming bagay sa Android.

MAGSIMULA