Ang mga pinakasikat na Google apps, sa mga device mo

Inihahatid ng Mga Serbisyo ng Google Mobile ang mga pinakasikat na app at API ng Google sa iyong mga device.

Magsimula

Ang mga pinakasikat na app ng Google sa iisang lugar

Ang Mga Serbisyo ng Google Mobile (Google Mobile Services o GMS) ay koleksyon ng Google applications at API na tumutulong sa pagsuporta sa functionality sa mga device. Tinitiyak ng mga app na ito na magandang user experience ang maibibigay ng iyong device.

Google Search

Ang Google app ay ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para mahanap ng mga user ang kailangan nila sa web at sa kanilang mga Android device.1

Google Chrome

Sa Google Chrome para sa mobile, mabilis na makakapag-browse ang mga user habang nakakatipid ng hanggang sa 50% ng data usage.1

YouTube

Sa YouTube app, magagawa ng mga user na mapanood ang mga pinakabagong video, mag-subscribe sa mga channel na gusto nila, magbahagi sa mga kaibigan, at manood sa anumang device.

Google Play Store

Sa mahigit 1 milyong app, pinakamalaking koleksyon ng eBook sa mundo, milyon-milyong kanta, at libo-libong pelikula, may nakalaan ang Google Play para sa lahat

Mag-explore ng iba pang GMS app:

Idagdag ang GMS sa iyong mga device

Bagama't nagbibigay ang Android Open Source Project (AOSP) ng mga karaniwang pakinabang ng device gaya ng email at pagtawag, hindi kasama ang GMS sa AOSP. Ang GMS ay available lang sa pamamagitan ng lisensya sa Google at naghahatid ng kumpletong hanay ng mga sikat na app at cloud-based services. Tandaang maaaring mag-iba ang mga GMS app batay sa availability at mga kinakailangan ng bansa.2

Sa GMS, ikaw ang magpapasya

Maaari mong i-preinstall ang mga GMS app sa bawat device. Puwede mo ring i-preinstall ang iyong mga sariling app, app mula sa third party na publisher, o iba pang AOSP app. Siyempre, makakapag-install din ang mga customer ng anumang app na pipiliin nila mula sa Google Play Store.

Tinitiyak ang compatibility

Hinihiling namin sa mga GMS partner na magsagawa ng pagsusuri sa compatibility at sumunod sa aming mga compatibility requirement para sa kanilang mga Android device. Sa tulong nito, makakaranas ang iyong mga user ng mas maaasahan at tuloy-tuloy na app experience.

Matuto pa tungkol sa compatibility ng device

Kumustahin ang aming mga partner

Daan-daang aprubadong manufacturer ang nagbibigay na ng mahusay na out-of-the-box experience sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Google

Tingnan ang aming mga partner