I-personalize ito.

Landscape na may HDR Bahay na may purple na background Dilaw na monumento

May bago kaming maiaalok sa iyo.

Tingnan ang mga bagong feature na ito ng Android 14.

Gawing mas personal, protektado, at accessible ang iyong device sa pamamagitan ng pinakabagong upgrade sa OS. Pinagandang kalidad ng larawan, mga bagong tema, at mga wallpaper na binuo ng AI. Mga update sa privacy para sa iyong kalusugan, kaligtasan, at data. At pinalawak na mga feature ng accessibility.

Matuto tungkol sa availability

Mas iangkop pa sa iyo ang device mo.

Gawing next level ang kalidad ng iyong larawan gamit ang Ultra HDR.

Larawan ng lawa sa kabundukan, na nahahati sa gitna mula taas pababa. Nasa malinaw at matingkad na Ultra HDR ang kaliwang bahagi, at nasa standard definition ang kanang bahagi.

Gawing monochrome ang iyong tema.

Isang monochrome na larawan ng mga gusali sa takipsilim na may relong nagpapakita ng 9:30 na naka-overlay sa gitna.
Isang monochrome na larawan ng mga gusali sa takipsilim na may relong nagpapakita ng 9:30 na naka-overlay sa gitna.

Mga wallpaper na imahinasyon lang natin ang limitasyon.

Mga natatangi at ganap na nako-customize na wallpaper na pinapagana ng artificial intelligence. Sa Android 14, sundin lang ang mga panggabay na prompt para ipahayag ang iyong personalidad kung paano mo man naiisip3. Mauunang dumating sa mga Pixel phone sa nalalapit na panahon!

Subukan ang demo sa ibaba.4

Isang soft focus na larawan ng mga larawan

Ang iyong lock screen kung paano mo gusto.

Gamit ang bagong pampili ng pag-customize, mas madali pang i-personalize ang iyong lock screen at home screen ngayon. Ipahayag ang personalidad mo nang hindi kailangang i-unlock ang iyong device. Mas i-customize pa ang iyong mga screen sa mga Pixel device gamit ang mga custom na orasan at shortcut sa lock screen5.

Nakatutok sa proteksyon mo.

Proactive kang binibigyan ng Android 14 ng madaling maunawaang impormasyon tungkol sa mga pahintulot sa data ng mga app6. Piliin kung anong access ang ibibigay mo sa mga app para mapanatili kang ligtas7.

Mga detalye ng pagbabahagi ng data sa isang sulyap.

Proactive kang binibigyan ng Android 14 ng madaling maunawaang impormasyon tungkol sa mga pahintulot sa data ng mga app6. Piliin kung anong access ang ibibigay mo sa mga app para mapanatili kang ligtas7.

Gawing mas madali para sa iyo at mas mahirap para sa kanila ang pag-unlock ng device mo.

Paigtingin ang seguridad ng iyong device gamit ang inirerekomendang 6 na digit na pag-unlock ng password. Padaliin ang mga bagay-bagay gamit ang bagong kakayahang awtomatikong mag-unlock kapag inilagay mo ang tamang PIN na may anim na digit o higit pa.

Nakabukas ang screen ng mga setting ng Android na nagsasaad ng “Magsimula sa Health Connect” at nagpapakita ito ng mga detalye kung paano makakapagbahagi ng data at paano pamahalaan ang iyong mga setting at privacy.

Walang kahirap-hirap na ikonekta ang data ng kalusugan mo.

Nasa Mga Setting mo na ngayon ang Health Connect, na nagbibigay sa iyo ng pangunahing paraan para ikonekta ang mga paborito mong app sa kalusugan at fitness, tingnan ang iyong data ng kalusugan at fitness sa iisang lugar, at manatiling may kontrol sa privacy mo8.

Pinahusay na accessibility para sa paningin at tunog.

Paano kunin ang Android 14.

May makikita kang notification sa iyong device kapag handa na ang update. Sundin lang ang mga tagubilin, i-download ito, at magagamit mo na ang pinakabagong bersyon ng Android.

Alamin ang iba pang bagong feature na available ngayon.

Tuloy-tuloy na ina-update ang mga Android device para magdagdag ng mga bagong feature at buwanang update sa seguridad. Mapapanatili nitong ligtas ang iyong data, kapaki-pakinabang ang mga app mo, at konektado ang iyong buhay.

Ano'ng bago sa Android?
May Android user na nakikipag-usap habang nakapindot ang daliri sa kanyang earbud at nakatingin sa kanyang Android phone.

Mga FAQ.

Gawing next level ang kalidad ng iyong larawan gamit ang Ultra HDR.

Sinusuportahan ng Android 141 ang Ultra HDR para makakuha ka ng mga HDR na larawan at maipakita mo ang mga ito sa maliliwanag na HDR screen para sa mas matitingkad na kulay, mas maliliwanag na highlight, at mas madidilim na shadow2.

Larawan ng lawa sa kabundukan sa malinaw at matingkad na Ultra HDR definition.

Gawing monochrome ang iyong tema.

Maglapat ng mga dynamic na monochromatic na tema sa iyong mga widget, icon, button, background, at animation para gumawa ng hindi nakakaabala, mas sleek, at grayscale na istilo.

Monochrome na screen ng Android na nagpapakita ng calculator app.