Android 13
Iyong telepono, tablet at higit pa—lahat ayon sa gusto mo.
Larawan ng teleponong ipinapakita ang UI ng bagong Android 13.
Larawan ng teleponong ipinapakita ang UI ng bagong Android 13.
Mas marami nang paraan kaysa sa dati para gawin at maramdamang iyo ang Android mo. Gamit ang Material You, puwede mo na ngayong i-customize ang mga app mo ayon sa kulay, tema, at wika. Kahit ang iyong media player ay tutugma sa personal na hilig mo sa musika.
I-customize ang telepono mo sa iyong personal na istilo. Gamit ang mga pinalawak na may temang icon ng app, puwede kang magtakda ng mas maraming app -hindi lang mga Google app - para tumugma sa tint at mga kulay ng wallpaper ng telepono mo.1
May bagong media player ang Android 13 na ganap na nagpapakita ng artwork ng album at nagtatampok ng sumasayaw na playback bar.2
Naka-highlight ang widget ng musika, na nagpapakita ng kanta ni Carrie Underwood na pinapatugtog. Gumagalaw pataas at pababa ang bar ng media playback habang tumutugtog ang kanta sa screen ng Android 13 device.
May bagong media player ang Android 13 na ganap na nagpapakita ng artwork ng album at nagtatampok ng sumasayaw na playback bar.2
Magtalaga ng iba't ibang setting ng wika sa mga indibidwal na app, para madali kang makapagpalit-palit ng wika sa iyong device, tulad ng sa totoong buhay.3
Magtalaga ng iba't ibang setting ng wika sa mga indibidwal na app, para madali kang makapagpalit-palit ng wika sa iyong device, tulad ng sa totoong buhay.3
Mula sa sandaling i-on mo ang iyong device, nagtatrabaho ang Android para panatilihing ligtas at secure ang iyong data. Gamit ang Android 13, mas marami kang kontrol sa kung anong impormasyon ang puwede at hindi puwedeng i-access ng mga app—kasama ang mga partikular na larawan, video, at history ng clipboard.
Tumutulong na panatilihing pribado ang iyong content. Ibahagi lang ang mga larawan at video na pinili mo sa ilang app; hindi ang iyong buong library.4
Tina-tap ng user ang Magdagdag ng larawan sa screen na Aking profile. Lumalaki ang Tagapili ng larawan. Nasa itaas ng screen ang "Magkakaroon ang app na ito ng access sa mga larawan lang na pinili mo." Pumipili ang user ng larawan para ibahagi sa app.
Tumutulong na panatilihing pribado ang iyong content. Ibahagi lang ang mga larawan at video na pinili mo sa ilang app; hindi ang iyong buong library.4
Nakokontrol mo kung aling mga app ang makakapagpadala ng mga notification—na tumutulong sa iyong malimitahan ang mga abala.5
Nakokontrol mo kung aling mga app ang makakapagpadala ng mga notification—na tumutulong sa iyong malimitahan ang mga abala.5
May mga naka-built in na pag-iingat ang Android 13 para makatulong na protektahan ang iyong personal na data. Para protektahan ang impormasyon sa iyong clipboard, makakatanggap ka ng alerto kapag in-access ito ng isang app at maki-clear ang history ng iyong clipboard pagkatapos ng partikular na tagal ng panahon para maiwasan ang hindi ninanais na access.
Tina-tap at kinokopya ng user ang ilang text. Nasa clipboard ito habang umaandar ang orasan na nagpapakita ng paglipas ng oras. Pagkatapos ay nawawala ang text habang nabubura ang history.
May mga naka-built in na pag-iingat ang Android 13 para makatulong na protektahan ang iyong personal na data. Para protektahan ang impormasyon sa iyong clipboard, makakatanggap ka ng alerto kapag in-access ito ng isang app at maki-clear ang history ng iyong clipboard pagkatapos ng partikular na tagal ng panahon para maiwasan ang hindi ninanais na access.
Nilalampasan ng Android 13 ang telepono—madali nitong pinagsasama-sama ang lahat ng device sa iyong buhay—gamit ang mga feature na pinapaganda ang iyong mga karanasan sa pagmemensahe, audio, at pag-multitask.
Android 13 phone na nakabukas ang Messages, May ipinapakitang text na nagtatanong, "Hi Katherine, kumusta ka na?" at sumasagot si Katherine ng "Ayos lang! Kagagaling ko lang sa grocery”. Lumalaki ang bubble ng text at lumilipat sa screen ng Chromebook. Sumasagot ang user sa text mula sa Chromebook na nagsasabing "Ok! May masarap ka bang lulutuin mamaya?”
Magpadala at makatanggap ng mga mensahe kahit hindi mo maabot ang telepono mo sa pamamagitan ng pag-stream ng iyong mga app sa pagmemensahe nang direkta sa Chromebook.6
Hinahayaan ka ng Spatial Audio na ma-enjoy ang immersive na tunog. Sa headphones kung saan naka-enable ang pag-track, inililipat ng Spatial Audio ang pinagmulan ng tunog batay sa kung paano mo iniikot ang iyong ulo, para maramdaman mo na para kang nasa gitna ng sports game, pelikula, o concert mula sa kaginhawaan ng iyong Android phone o tablet. Dagdag pa, ginagamit ng Android 13 ang Bluetooth Low Energy (LE) Audio na nagpapabuti sa kalidad ng audio at nagbibigay-daan sa iyong mag-broadcast ng media sa maraming tao nang sabay.8
Pinapaligiran ng mga ripple ng tunog ang mga gilid ng ulo ng isang tao habang umiikot ito.
Hinahayaan ka ng Spatial Audio na ma-enjoy ang immersive na tunog. Sa headphones kung saan naka-enable ang pag-track, inililipat ng Spatial Audio ang pinagmulan ng tunog batay sa kung paano mo iniikot ang iyong ulo, para maramdaman mo na para kang nasa gitna ng sports game, pelikula, o concert mula sa kaginhawaan ng iyong Android phone o tablet. Dagdag pa, ginagamit ng Android 13 ang Bluetooth Low Energy (LE) Audio na nagpapabuti sa kalidad ng audio at nagbibigay-daan sa iyong mag-broadcast ng media sa maraming tao nang sabay.8
Gumagawa ng email sa Android tablet habang nakabukas ang Gmail. Binubuksan ang user ang buong library ng app mula sa taskbar at dina-drag niya ang Photos sa screen sa split-screen mode kasama ng Gmail. Habang naka-split screen, madiin na pinipindot ng user ang larawan mula sa Photos app na nakabukas sa kanang bahagi ng screen at dina-drag niya ito sa email sa kaliwang bahagi ng screen.
Tinutulungan ka ng na-update na taskbar sa mga tablet na gumawa ng dalawang task nang sabay. Puwede mo na ngayong i-drag at drop ang anumang pangalawang app mula sa iyong app library sa split screen view nang direkta mula sa taskbar mo. At para sa mga oras na nagsusulat o gumuguhit ka gamit ang stylus, ituturing ng iyong tablet ang palad at stylus mo bilang magkakahiwalay na paghawak, na nagbabawas sa mga hindi sinasadyang marka mula sa pagpatong lang ng kamay mo sa screen.
Tingnan ang mga pinakabago at pinakamagandang Android device.
Hanapin ang iyong Susunod na Device