Bumalik sa itaas

Lumipat sa Android

Napakadali na ngayong lumipat sa Android mula sa iOS.

Madaling ilipat ang iyong data

Madali lang ilipat ang iyong data—kumonekta, mamili, at maglipat lang.

Ligtas at madaling kopyahin ang iyong data sa bago mong Android phone mula sa iyong iPhone. Pagkonektahin lang ang dalawang telepono gamit ang cable o wireless na ipagpares sa pamamagitan ng Wi-Fi ang mga ito para secure na kopyahin ang iyong mga contact, larawan, kalendaryo, at higit pa.

Hakbang 1.Ikonekta ang parehong device.

Ikonekta ang iyong iPhone sa bago mong Android phone gamit ang cable o sundin ang mga tagubilin sa pag-set up para wireless na ilipat ang iyong data sa pamamagitan ng app na Lumipat sa Android.

Tingnan ang sunod-sunod na hakbang

Ikonekta ang iyong iPhone sa bago mong Android phone gamit ang cable o sundin ang mga tagubilin sa pag-set up para wireless na ilipat ang iyong data sa pamamagitan ng app na Lumipat sa Android.

Hakbang 2.Piliin ang iyong data.

Piliin kung ano ang dadalhin mo—mga contact, mensahe, larawan, at kahit na ang karamihan sa iyong mga app. At tandaan, dahil kopya lang ito, maa-access pa rin sa luma mong iPhone ang lahat ng iyong data.

Tingnan kung anong data ang puwedeng ilipat

Piliin kung ano ang dadalhin mo—mga contact, mensahe, larawan, at kahit na ang karamihan sa iyong mga app. At tandaan, dahil kopya lang ito, maa-access pa rin sa luma mong iPhone ang lahat ng iyong data.

Hakbang 3.Maglipat.

Tapos na! Magagamit na ang iyong mga contact, mensahe, larawan, at app sa bago mong Android phone at marami pang mae-explore sa Google Play Store. Mag-relax habang ina-update sa loob lang ng ilang minuto sa bago mong telepono ang impormasyong pinakamahalaga para sa iyo.

Gagamit ka ba ng Android 11 o mas luma?

May mga partikular na hakbang kang puwedeng gawin.

Bakit magandang lumipat sa Android

Magkaroon ng teleponong naaangkop sa iyo.

Sa Android, puwede kang makagawa ng karanasang parang naaangkop sa iyo. Marami kang magagamit para magpahayag, mag-explore, at palawakin ang iyong mundo, gaya ng mga widget ng pag-uusap, dynamic na kulay, at mga custom na layout at launcher.

Bakit magandang lumipat

Makakuha ng higit pang sagot

Mga FAQ