Kaligtasan ng Mobile

Idinisenyo para sa iyong kaligtasan.

Depensa sa bawat detalye.

Sa Android, masusi naming isinama ang iyong proteksyon sa lahat ng iyong ginagawa. Gaya ng pag-download ng mga app, pag-browse sa web, at pagbabahagi mo ng iyong data. Kung parang may hindi kanais-nais, gaya ng masamang app o mapaminsalang link, aalertuhin ka namin at bibigyan ka namin ng mga tips kung ano ang mga dapat mong gawin. Binabantayan ng aming mahusay na internal security ang iyong device at data. Mananatili kang protektado, kahit hindi mo ginagamit ang iyong telepono.

Protektado ka sa bawat pagkakata­on.

Iwasan ang masasamang app.

Tinutulungan ka ng Google Play Protect upang makapag-download ka ng mga app nang hindi mo kinakailangang mag-alala na baka ito ay mapaminsala sa iyong telepono o magnanakaw ng iyong data. Masusi at maingat naming sini-scan ang mga app araw-araw, ipapa-alam namin sa iyo kung may makita kaming masamang app, at sasabihin namin sa iyo kung ano ang mga dapat mong susunod na gawin. Pinag-aaralan namin kung paano ito gumagana. Lahat ng aming natututunan namin ay siyang nagpahusay sa aming pagscre-screen ng mga apps. Para ikaw at mas ligtas.

Wag magpalinlang sa mga Scammer

Sagutin lamang ang mahahalagang tawag sa iyong telepono at laktawan ang mga hindi mahalaga. Sini-screen namin ang iyong mga tawag, para hindi ka mag-aksaya ng oras sa pagsagot sa tawag mula sa mga bot. Ipapa-alam sa iyo ng aming spam protection kung ang isang tawag ay masama o hindi mahalaga upang hindi makuha ang iyong personal na impormasyon ng mga di kilalang tao o nilalang. Para ma-protektahan ang iyong privacy, mahahanap ang buong transkripsyon ng iyong tawag sa iyong device.

Iwasan ang mga kahina-hinalang website.

Nagbibigay-daan ang Google Safe Browsing na iyong ma-explore ang web nang may kumpiyansa at walang alinlangan, at pinoprotektahan ka nito mula sa mga mapanganib na website at nakakapinsalang file. Papa-alalahanan ka namin kung susubukin mong mag-navigate sa isang masamang website o file, upang ma-ibabalik mo ang iyong sarili sa kalligtasan at maka-iwas na makaranas ng malware o phsising scam. Hindi ka dapat maloko na magbigay ng iyong private na data.

Privacy na gumagana para sa iyo.

Pinapagana ng Android Security ang privacy. Pinoprotektahan namin ang iyong data mula sa mga hindi dapat makakita nito sa pamamagitan ng pag-encrypt nito, at pagtakda ng mga boundaries sa kung ano ang mga maaring gawin ng mga app sa background. At paano kung gusto mong mag-browse? Maaari kang mag-incognito mode sa Chrome o sa Maps. Binibigyan ka rin namin ng mga tools na nakakatulong sa iyong kontrolin kung sino ang nakakakita ng kung anong data at kung kailan nila ito makikita.

Matuto pa tungkol sa Chrome Matuto pa tungkol sa Maps

Chine-check namin ang mga iyong kinalimutang apps

Secure sa anumang paraan.

Mahusay na internal na depensa.

Ang pagpapanatili ng iyong kaligtasan ay nasa sentro ng aming mga ginagawa, kaya isinasaalang-alang namin ang seguridad sa bawat detalye ng Android. Pati ang mga bahaging hindi mo nakikita. Pinapanatiling ligtas ng Device Encryption ang iyong data kapag naka-lock ang iyong telepono -- pinagmumukha nitong naka-scramble ang iyong data sa sinumang sumusubok na nakawin ang impormasyon mo. At kapag na-back up mo ang iyong telepono sa cloud, end-to-end na naka-encrypt ang lahat ng data mo gamit ang PIN ng iyong telepono. Para ikaw lang ang makaka-access sa data na iyon. Dagdag dito, binabantayan namin ang bawat app sa leval ng operating system, para hindi masilip ng ibang app kung ano ang ginagawa mo. At aabisuhan ka rin namin kung sa tingin namin ay may nag-tamper sa iyong operating system. Palaging naka-on ang mga feature na ito at gumagana sila sa background. Para tiyaking automatic kang protektado.

Tulong sa emergency

Tulong sa mga oras ng krisis.

Gumagawa kami ng mga natatanging paraan para panatilihin kang mas ligtas. Tuklasin kung paano mas mabilis na nakakakuha ng tulong ang Android phone mo para sa iyo sa mga oras ng emergency.

Matuto pa